Senado pinagdadahan-dahan sa mga 2016 frontrunners
MANILA, Philippines - Pinagdadahan-dahan ni Buhay partylist Lito Atienza ang ilang Senador sa umanoy paggamit sa Senado bilang isang boxing arena para i-demolish ang mga frontrunner sa 2016 presidential race.
Ayon kay Rep. Atienza, ang ginagawang imbestigasyon sa Senado ay hindi na maituturing na in aid of legislation kundi puro at simpleng pambubugbog na lamang sa nangungunang presidential candidate na si Vice President Jejomar Binay.
Wika pa ng kongresista, isang pag-aaksya umano ng oras at nakakasira sa talagang trabaho ng mga mambabatas ang imbestigasyon sa Makati City hall at self-serving umano ito sa ilang mambatas na gustong tumakbo sa 2016.
Tinukoy ni Atienza ang ginawang Senate blue ribbon committee investigation nina Sen. Allan Peter Cayetano at Antonio Trillanes kaugnay sa umanoy overpriced na Makati City hall building 2 kung saan pinatawag nito sina Makati Mayor Junjun Binay,Vice President Binay at iba pa.
Umapela naman si Atienza sa mga mambabatas na magtrabaho na lamang upang mabigyan ng maayos na mass transport system tulad ng PNR at MRT ang mamamayan.
- Latest