MANILA, Philippines - Isang misa ang isinagawa ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa loob ng Manila Police District detention facility sa MPD headquarters, UN Ave., Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong nagmisa si Tagle sa loob ng kulungan ng MPD at personal ang naging pakikipag-ugnayan sa mga nakabilanggo.
Emosyonal ang nasabing kaganapan dahil nasaksihan ang pagyayakapan at iyakan ng mga preso matapos ang misa at dahil na rin sa homily ng Cardinal na humipo sa damdamin ng mga nakapiit.
Pinayuhan niya rin ang mga detainees na dapat silang magbago at humingi ng tulong at patawad sa Panginoon Diyos.
Kasabay nito ang pagpapasinaya sa may 50 Segway na donasyon sa MPD para gamitin sa anti-criminality campaign na ikinalugod naman ni MPD Director C/Supt. Rolando Asuncion.