MANILA, Philippines - Iginiit ng Coalition of Filipino Consumers, isang consumers welfare advocacy group, sa Commission on Audit na magsagawa ito ng isang lifestyle check at busisiin ang yaman ni PNP Chief Alan Purisima.
Ang kahilingan ng CFC ay isinumite sa tanggapan ni COA chairperson Grace Pulido-Tan bunga ng ulat na nagkamal ng umano’y nakaw na yaman si Purisima dahil marami sa mga ari-arian nito ay hindi kasama sa naisumite nitong Statement of Assets and Liabilities (SALN).
“We believe all public officials are accountable to the Filipino people, especially those whose leadership is tainted with corruption,” pahayag ni Perfecto Tagalog, secretary general ng CFC.
Ilan lamang sa kinukuwestyon ng naturang grupo ang umano’y P100-million license card contract ni Purisima at mga ari-arian nito. Kuwestyonable rin umano para sa kanila ang P25 milyon halaga ng White House na tirahan nito.
Binigyang diin ni Tagalog na napapanahon na para ipaliwanag ni Purisima ang katotohanan sa taumbayan at sa miyembro ng PNP.