MANILA, Philippines - Dapat habulin ng gobyerno ang mga responsable sa palpak na North Rail project kung saan umabot na sa $180 milyon ang nagastos ng gobyerno bukod pa sa $50 milyong utang na hindi pa nababayaran o kabuuang $9 bilyon. Sa nakaraang 2015 budget briefing ng Senate Committee on Finance na pinamumunuan ni Escudero, tinanong nito ang Development Budget Coordinating Council (DBCC) kung may nakasuhan sa nasabing proyekto na isinantabi dahil sa korupsiyon.
Naniniwala si Escudero na dapat may managot dahil nagbabayad ang gobyerno sa utang para sa isang proyekto na hindi naman natuloy. Ayon pa kay Escudero dapat na may maipakulong dahil sa nangyaring fiasco. Ayon kay Pursima, hindi siya pamilyar sa nasabing isyu at sa financial aspect nito pero nangako na sisilipin kung ano na ang nangyari sa imbestigasyon.