Pagsabog ng Mayon ‘di matatantiya kung gaano kalakas - Phivolcs
MANILA, Philippines - Walang makakapagsabi kung magiging malakas ang inaasahang pagsabog ng Bulkang Mayon sa Albay, Bicol.
Ito ang ginawang paglilinaw ni Director Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga balitang magiging malakas ang pagsabog ng Mayon volcano ngayong taon.
Sinabi ni Solidum na ang pagsabog ng isang bulkan ay depende sa dami ng magma na umaakyat palabas ng crater nito.
Sa record, ang huling deadliest eruption ng Mayon volcano ay noong 1814.
Ayon kay Solidum, walang dapat ipangamba ang mga residente malapit sa bulkan dahil dapat lamang na maging handa sila at maging alerto at sumunod sa mga tagubilin ng mga lokal na pamahalaan tulad ng pagbabawal sa kanilang lumapit sa loob ng 6 kilometer permanent danger zone sa paligid ng Mayon para huwag mapahamak.
Sa nakalipas na 24 oras, patuloy ang pagluluwa ng bulkan ng puting usok at bagamat hindi nakita ang crater glow sa nakalipas na magdamag ay namataan naman ang paglitaw ng lava dome sa crater nito.
Nananatili sa alert level 2 ang Mayon.
- Latest