Aquino nanawagang unahin ang problema kaysa 2016

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III na tigilan muna ang pamumulitika lalo’t matagal pa ang 2016 elections.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa kanyang mensahe kahapon sa Tuao, Cagayan na tila marami na daw ang nangangampanya gayung malayo pa ang 2016 elections.

“Mga kasama ‘pag nagbabasa tayo ng dyaryo araw-araw, tila marami nang nangangampanya. Parang nakalimutan nila may problema tayo ngayon. Meron namang problema sa 2016 na eleksyon ‘di ba. 2016 na iyon, ngayon tugunan muna natin iyong problemang bumabalot sa atin pong sambayanan dahil obligasyon natin, maski saan tayong panig,kung tayo’y may magagawa naman sa kapwa hindi pwedeng somewhere down the line, dapat ho now na,” wika pa ng Pangulo matapos pangunahan ang inagurasyon ng Ninoy Aquino bridge dito.

Ang pakiusap pa ni PNoy, unahin muna ang suliranin ng bansa kaysa bigyang prayoridad ng mga nag-aambisyong tumakbo sa 2016 ang pangangampanya.

 

Show comments