PNoy hinamong sumakay ng MRT

MANILA, Philippines - Hinamon ni Isabela Rep. Rodito Albano si Pangulong Benigno Aquino III na sumakay sa Metro Rail Transit (MRT) upang personal na makita at maranasan ang libo-libong pasahero nito araw-araw.

Sinabi ni Rep. Albano na sa ganitong paraan lamang mauunawaan ng pangulo ang mala sardinas nilang karanasan sa MRT.

Bukod dito personal din ma e-experience ng Pa­ngulo ang hirap at panganib na sinusuong ng mga boss nito sa bawat sakay sa MRT.

Dahil dito kaya iginiit ni Albano na dapat magkaroon ng top to bottom revamp sa MRT at Department of Transportation and Communication (DOTC) para ayusin ang pagpapatakbo sa mga ito. 

Giit pa ng kongresista hindi dapat maging business as usual ang takbo ng MRT at DOTC at sa halip ay dapat may managot sa insidente matapos ang aksidente noong Linggo.

Paliwanag pa ni Albano na hanggang walang nasisibak sa walang tigil na aberya sa MRT ay hindi matatapos ang ganitong problema dahil walang matututo ng leksyon.

Idinagdag pa nito na hindi dapat maghintay na may mamatay o mas marami pang masugatan bago magising ang gobyerno na kailangan na silang mag provide ng efficient, reliable ,safe at affordable na mass transport system services sa libo libong commuters sa Metro Manila.

“Hanggat walang nasasampolan dito, walang magagawang karampatang aksyon ang gobyerno para solusyonan ang pa-ulit ulit na problema ng MRT,”ayon pa kay  Albano.

Samantala, hiniling naman ni Partylist Rep. Terry Redon sa Kamara na imbestigahan ang nangyaring aksidente sa MRT.

 

Show comments