^

Bansa

Mayon itinaas sa alert level 2

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mula sa alert level 1, itinaas na ng Philippine Ins­titute of Volcanology and Seismology (Phi­volcs) sa alert level 2 ang kundisyon ng bulkang Mayon sa Albay, Bicol. 

Ito ayon sa Phivolcs ay bunga ng pagkakaroon ng bagong lava dome ng bulkan na may taas na 30 metro hanggang 50 metro at may naitala ditong preatic eruption at pagbubuga ng asupre na umaabot sa 500 tonelada kada araw.

Bukod dito, nakapagtala din ng volcanic earthquakes at pagbagsak ng mga bato mula sa bulkan.

Mayroon ding bahagyang ground deformation sa paanan ng bulkan at mahinang magma intrusion rates.

Bunga nito, pinayuhan ng Phivolcs ang sinuman na huwag lalapitan ang bulkan at huwag papasok sa loob ng 6 kilometer danger zone dahil sa inaasahang panganib na maaaring idulot nito sa mga tao.

Ang mga pagbaba­gong ito ng naturang bulkan ay nagbabadya ng posibleng pagsabog sa mga susunod na araw kayat pinag-iingat ang lahat ng mga residente doon. 

 

ALBAY

BICOL

BUKOD

BUNGA

MAYON

PHILIPPINE INS

PHIVOLCS

VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with