^

Bansa

Palparan mananatili sa NBI - DOJ

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mananatili muna sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) si Ret. Major Gen. Jovito Palparan.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na mayroon umanong problema kaya naantala ang paglilipat sa Bulacan provincial jail bagama’t may commitment order na mula sa Bulacan Regional Trial Court Branch 14.

Binigyan diin ni de Lima na hindi basta-basta ang paglilipat ng mga “very high-profile” detainee tulad ni Palparan dahil kailangan munang matiyak ang seguridad nito kaya’t puspusan ang ginagawang paghahanda ng mga awtoridad.

Tatanungin din muna niya si NBI Director Virgilio Mendez kung kaya na ng kanyang mga tauhan na mailipat si Palparan sa Bulacan. Nabatid na maliit at pangkaraniwang selda ang lilipatan ni Palparan sa provincial jail. Dati umano itong isolation room, may dalawang kwarto sa loob, may common comfort room ngunit walang bentilador.

May isang 83-anyos na preso na makakasama si Palparan sa selda.

Sa ngayon aniya, nais lamang nila na matiyak ang seguridad ng da­ting heneral upang maiwasan na masisi dahil batay sa report marami umano ang nagbabanta sa buhay nito.

Binansagang “berdugo” si Palparan dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa extra-judicial killings at pagkawala ng mga umano’y pinaniniwalaang komunista.

Inaresto ang dating heneral kaugnay ng kasong kidnapping at serious illegal detention ukol sa pagkawala ng UP students na sina Karen Empeño at Sheryn Cadapan noong 2006.

Samantala, pinopro­seso na ng DOJ ang P2 milyong reward money kay Palparan. Isang private citizen ang tipster ng kinaroroonan ni Palparan nang mahuli ito sa Sta. Mesa Maynila.

BULACAN

BULACAN REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

DIRECTOR VIRGILIO MENDEZ

JOVITO PALPARAN

JUSTICE SECRETARY LEILA

KAREN EMPE

MAJOR GEN

PALPARAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with