Red Horse Beer, nanalo ng ginto

MANILA, Philippines - Sumipa ng todo sa isang prestihiyosong patimpalak ang Red Horse Beer nang gawaran ito ng gintong medalya sa kakatapos na Australian International Beer Awards (AIBA) sa Melbourne, Australia.

Mahigit 1,500 beer brands mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang naglaban-laban sa kompetisyon. Ang Red Horse Beer lang ang nakakuha ng gintong medalya mula sa Pilipinas. Ang panalo ng Red Horse Beer ay patunay lamang na ang San Miguel Brewery Inc. ay tapat sa layunin nitong gumawa lamang ng mataas na uri na mga produkto. Gawa rin ng SMB Inc. ang iba pang award-winning na mga beer.

Ang AIBA na nagsimula noong 1992 ay ang pinakamalaking kompetisyon para sa industriya ng beer sa buong Asia Pacific. Ang Red Horse ay ang tagapagtaguyod din ng Pambansang Muziklaban, ang pinakamalaking rock extravaganza sa Pilipinas na nasa ika-16 na taon na.

Show comments