Pag-aalis sa diskriminasyon sa LGBT sa QC, isusulong ni Joy B

MANILA, Philippines - Patuloy na isinusulong ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang paglalaan ng mga programang makakawala ang mga Lesbian,Gay, Bisexual at Transgender (LGBT) mula sa diskriminasyon na pa­ngunahin nilang kinakaharap na problema sa ngayon.

Sinasabing dahil sa diskriminasyon, nahihirapan ang LGBT community na mabigyan ng maayos na trabaho, magkaroon ng sapat na edukasyon, kalusugan, pamilya at relihiyon.

Para wakasan ang naturang problema, nagpapatupad ngayong Agosto ng serye ng public consultation ang tanggapan ni Belmonte sa  hanay ng mga opisyales ng 142 barangay, LGBT officers, iba pang mga stakeho­lders at Civil Society Organization upang makakuha ng mga rekomendasyon at komento para sa kapakanan at interes ng LGBT community.

Sa pamamagitan nito, malalaman ni Belmonte ang mga paraan at mga programang kailangang maitaguyod para sa mga nabanggit upang matulungan ang mga itong maipadama ang kanilang karapatan bilang isang mamamayan.

Una rito, naghain si QC Councilor Lena Marie Juico ng “Gender-Fair Quezon City” ordinance na magbibigay ng patas na pagtrato sa LGBT community.

Nagpatupad na rin ng isang LGBT summit ang tanggapan ni Belmonte noong nakaraang taon para tulungang maibigay ang mga pangangaila­ngan ng mga nasa 3rd sex sa QC at tuloy maging patas ang pagtingin sa kanila ng estado at maayos silang makakapamuhay sa komunidad na ginaga­lawan.

Show comments