^

Bansa

‘Batman at Robin’ ibabawal

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinulong na sa Senado ni Sen. Tito Sotto ang Senate Bill 2344 na naglalayong ipagbawal ang mga backriders o angkas sa mga two-wheeled motorcycles o motorsiklo na ikinumpara kina “Batman at Robin”.

Ayon kay Sotto, patuloy na tumataas ang bilang ng krimen na kinasasangkutan ng mga ‘riding in tandem’ kaya dapat ng magkaroon ng batas laban dito at mapatawan ng parusa ang mga lalabag.

Sa records ng Philippine National Police, noong nakaraang taon ay umabot sa mahigit 3,000 krimen na sangkot ang mga ‘riding in tandem’ ang naitala sa Metro Manila pa lamang.

“Motorcycle back-riders, most commonly known as the riding-in-tandem criminals have an ample opportunity to commit heinous crimes with impunity because of the facility of getting away from the crime scene by use of a motorcycle which can avoid and wind through even heavy traffic,” ani Sotto.

Pagkabilanggo ng hindi bababa sa anim na buwan pero hindi lalampas sa anim na taon ang ipapataw at multang P20,000 sa unang pag­labag at karagdagang P10,000 sa mga susunod na paglabag.

Exempted sa batas kung ang magka-angkas ay mag-asawa o kaya ay magulang at anak, miyembro ng AFP at PNP na gumaganap sa kanilang tungkulin at naka-uniporme.

vuukle comment

AYON

ISINULONG

METRO MANILA

PAGKABILANGGO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SENATE BILL

SOTTO

TITO SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with