^

Bansa

2 Pinoy inaasahang Ebola-free na rin

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naniniwala ang Department of Health (DOH) na tuluyan nang maidedeklarang ligtas sa kinatatakutang Ebola virus ang dalawa pa sa 15 Pinoy na nagmula sa Siarra Leone, West Africa na tinamaan ng Ebola.

Gayunman, hihintayin pa hanggang sa Agosto 28, ang pagtatapos ng 21-araw na incubation period, para maideklara na ang dalawa na Ebola-free.

Nitong Biyernes nang ideklara na rin ng DOH na 5 sa 7 pang Pinoy migrants na minomonitor sa nasabing deadly virus ay clear na.

Ang kabuuang 15 Pinoy na tinutukan ng DOH ay una nang nagdeklarang 8 ang ligtas sa nasabing sakit.

“But I think the two will also be cleared eventually because [if they have been infected] they [will be showing] symptoms by this time,” ayon kay Health Undersecretary Teodoro Herbosa.

Disyembre 2013 nang magsimula ang biggest outbreak ng Ebola na pumalo na ngayon sa libong apek­tado at nasa 932 na ang naitalang nasawi. Nadiskubre ang sakit noong 1976.

Kabilang sa mga lugar na nadale nito ay ang Sierra Leone, Liberia at Guinea kung saan mayroong tinata­yang 3,500 overseas Filipino workers.

Samantala, kahit banta rin sa Pilipinas ang Edola virus, tiniyak naman ng DOH na walang dapat ipangamba ang publiko dahil may sapat na kapasidad ang pamahalaan na i-contain ang sakit sakaling may maapektuhang Pinoy worker na iuwi sa bansa.

 

BUT I

DEPARTMENT OF HEALTH

EBOLA

HEALTH UNDERSECRETARY TEODORO HERBOSA

NITONG BIYERNES

PINOY

SIARRA LEONE

SIERRA LEONE

WEST AFRICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with