7 Sokol choppers grounded

MANILA, Philippines - Hindi muna gagamitin ang iba pang combat uti­lity helicopter ng Philippine Air Force (PAF) matapos bumagsak ang isang kahalintulad na chopper kamakalawa.

Nitong Huwebes ng hapon ay bumagsak ang isang Sokol helicopter na nagsilbing back-up nina Defense Secretary Voltaire Gazmin, DILG Sec. Mar Roxas at Energy Sec. Je­rico Petilla, tatlong minuto matapos magtake-off sa Camp Ranao, Marawi City.

Wala namang malubhang nasugatan sa insidente pero ipinagtataka kung bakit nagkaaberya ang helicopter gayong bagong bili ito.

Nabatid na ang natu­rang chopper ay bahagi ng walong brand new combat utility choppers na binili sa Poland at kabilang sa first batch na nai-deliver nitong 2012.

Inutos na ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr. na magsagawa ng imbestigasyon.

Show comments