PCSO tinatakbuhan na!

MANILA, Philippines - Dahilan sa kawalan ng Priority Development Assistance Fund (PDAF), kanya-kanyang hirit na ang mga kongresista para sa kanilang nasasakupan sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Sa ginawang presentasyon ng PCSO sa budget hearing sa Kamara, iminungkahi ni Sorsogon Rep. Evelina Escudero na kung maaari ay maglaan na ang PCSO ng medical assistance fund para sa bawat distrito. Bukod dito, mayroon ding mga kongresista na humihirit ng wheelchair at ambulansiya para sa kanilang mga lugar. Gayundin ang tulong para sa mga katutubo na tulad ng Mangyan sa Mindoro at mga particular na sector tulad ng mga guro.

 

Show comments