MANILA, Philippines - Inalerto ni Environment Secretary Ramon Paje ang lahat ng tauhan sa Biodiversity Management Bureau (BMB) sa mga airports at seaports na busisiin nang husto ang pagpapasok ng lahat ng imported wild animals at exotic pets sa lahat ng entry points ng bansa Ito, ayon kay Paje, ay upang maiwasan na may makalusot na makapasok sa ating bansa na mga hayop mula sa West Africa na infected ng nakamamatay na Ebola virus laluna mula sa Guinea, Sierra Leone at Liberia na higit na sinalanta ng naturang virus ang mga hayupan doon. Sinabi ni Paje na ang Ebola virus ay isang zoonotic disease na maaaring lumipat sa mga tao sa pamamagitan ng direct contact sa mga infected live o patay na hayop gayundin ng body fluid mula sa hayop na may Ebola na may direktang contact sa tao.