MANILA, Philippines - Binigyang-pagkilala ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang naging topnotcher sa Certified Public Accountant (CPA) board exams na survivor ng Super typhoon Yolanda. Sa resolution na ipinasa ng Independent Minority bloc sa pangunguna ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romouldez, sinabi nito na sa kabila ng dinanas nitong hirap dahil sa bagyong Yolanda ay nagsikap pa ring tapusin ni Rommel Rhino Edusma, 25 anyos, ang kanyang pag-aaral ng kursong accounting sa Asin Development College Foundation (ADCF).
Si Rhino ay anim sa 10 magkakapatid kung saan ang ama nito ay isang retiradong sundalo at isang simpleng may bahay ang kanyanng ina at may sakit sa puso subalit nagpatuloy pa rin ito sa kanyang pagre-review sa Maynila upang makapasa sa accounting board exams.
Bukod sa pumasa, nanguna pa siya sa CPA board exams noong nakaraang Hulyo na may gradong 94.57 percent.