MANILA, Philippines - Lalong lumakas ang bagyong Jose habang binabagtas ang karagatan sa kanluran-hilagang kanluran ng bansa.
Base sa weather forecast ng Pagasa, alas-11 ng umaga, si Jose ay nasa layong 1,095 kilometers east ng Casiguran Aurora, taglay ang lakas na umaabot sa 185 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 220 kph.
Kumikilos ito sa pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 11 kph.
Sabado ng gabi nang pumasok ito sa Phl Area of Responsibility (PAR).
Paiigtingin ni Jose ang Habagat na magbibigay ng pag-ulan sa Mimaropa, Cental Luzon at Metro Manila sa Martes hanggang Miyerkules.
Ayon kay Jun Galang ng PAGASA Weather Forecasting Section kung magtutuloy-tuloy sa pagkilos si Jose ay maaring makalabas sa PAR sa Huwebes, at maaring tumbukin ang Japan.
May gale warning pa rin sa seaboards ng Northern at Central Luzon kaya pinapaalalahanan ang mga mangingisda at may maliit na sasakyang pangisda na iwasang pumalaot.