Fetus iniwan sa simbahan

MANILA, Philippines - Isang nasa lima hanggang anim na buwang  fetus na nakasilid sa container ng mineral water ang natagpuan sa loob ng isang simbahan sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO2 Alvin Quisumbing, ang fetus ay nadiskubre sa Choir area ng Holy Family Church na matatagpuan sa Brgy. West Kamias, ganap na alas- 7:30 ng gabi. Isang Noli Morongdo, miyembro ng choir ng simbahan ang nakadiskubre sa nasabing fetus makaraang magtungo ito sa nasabing lugar at mapansin ang bote ng mineral. Agad na ipinagbigay alam ni Morongdo ang insidente sa kanilang parish priest na si Fr. William Garcia na siya namang tumawag ng otoridad para sa pagsisiyasat.

 

Show comments