Lola utas sa motorsiklo

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang lola nang mabundol ng isang motorsiklo habang kritikal naman ang nakabanggang rider dito, kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Nakilala ang nasawi na si Adela Uy, 75, ng Fortune Village 5, Paso De Blas ng lungsod. Inoobserbahan naman sa nasabing ospital sanhi rin ng pinsala sa ulo at katawan si Fred Pencalin, 44, ng San Simon, Pampanga at driver ng Skygo (8041-UB). Batay sa ulat, alas-3:55 ng hapon, patawid ang nasawi sa San Diego St., Paso De Blas ng lungsod nang mahagip ng minamanehong motorsiklo ng suspek. Sa lakas ng pagkakabangga ay sabay na tumilapon ang biktima at suspek.  Agad namang sinaklolohan ang dalawa ng mga tauhan ng barangay at naisugod sa pagamutan.

 

Show comments