MANILA, Philippines - Sinuspinde ngayong araw na ito (Hulyo 29) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding sa mga pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila sa paggunita ng Eid Ul-Fitr na deklaradong holiday.
Nabatid na sa mga idineklarang holiday ay awtomatikong sinususpinde ng MMDA ang pagpapatupad ng number coding. Kung kaya’t ang mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa 3 at 4 ay maaring bumiyahe sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.Sa ilalim ng number coding scheme, ang mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay bawal bumiyahe sa araw ng Lunes; 3 at 4 sa araw ng Martes; 5 at 6 sa araw ng Miyerkules ; 7 at 8 sa Huwebes at 9 at 0 sa araw ng Biyernes.