Napagkakamalang tubig Chlorox itagong mabuti - Ecowaste
MANILA, Philippines - Nagbabala ang Ecowaste Coalition sa mga magulang, lalo na ang mga gumagamit ng bleach o chlorox sa kanilang labada o disinfectant na itagong mabuti ang paglalagyan nito upang hindi mapagkamalang tubig ng mga bata.
Ayon kay Thony Dizon, coordinator ng Ecowaste, karamihan sa mga bata ay inaakala na ang sodium hypoclorite ay isang maiinom na tubig dahil ibinibenta ito bilang liquid form na parang tubig.
Kaya naman sinabi ni Dr. Carissa Dioquino, pinuno ng UP National Poison Management and Control Center, hindi nararapat sa mga magulang na ilipat ang bleaching o disinfectant agent sa mga lalagyang inumin tulad ng botelya ng mineral water o bote ng softdrinks.
Base sa kaso ng mga pasyente, ang sodium hypoclorite ay ikalawa sa 10 nakakalasong agents noong 2013 para sa mga bata at kabataan alinsunod sa dokumento ng NPMCC na may 98 mula sa 745 kaso.
Ang Kerosene poisoning ay number 1 na may 274 kaso, kasunod ang button batteries na may 23 kaso.
Ayon sa US Agency for toxic Substance and Diseases Registry (ATSDR), ang paglunok ng hypochlorite solutions ay nagdudulot ng pagsusuka at unti-unting kinakain at nakakapinsala sa gastrointestinal tract.
- Latest