^

Bansa

OFWs pinapayagang makabalik sa Kenya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinapayagan pa ring makabalik sa Kenya ang ilang Pinoy workers sa kabila ng pinaiiral na temporary deployment ban laban sa pagpapadala ng mga bagong hire na OFWs doon.

Nilinaw ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na puwede pa ring makabalik sa naturang bansa ang mga OFWs na nagtatrabaho sa United Nations (UN) at mga affiliate agencies nito.

Nakasaad sa bahagi ng Resolution No. 16-2014 ng POEA governing board na, “The UN workers in UNEP, Habitat, and other UN agencies in Kenya shall not be covered by the deployment ban of new workers.”

Una nang ipinagbawal ng POEA ang pagpapadala ng mga bagong hire na OFW sa Kenya matapos itaas sa Crisis Alert Level 2 ng Department of Foreign Affairs ang sitwasyon roon dala ng paglala ng mga kaguluhan.

vuukle comment

CRISIS ALERT LEVEL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

NAKASAAD

NILINAW

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

PINAPAYAGAN

PINOY

RESOLUTION NO

UNITED NATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with