Accomplishment ni PNoy ’di masisira sa DAP issue
MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni Iloilo Rep. Jerry Trenas na ang kontrobersiya tungkol sa usapin ng Disbursement Acceleration Program (DAP) ay walang halaga para sirain ang walang kahalintulad na mga infrastructure programs ni Pangulong Aquino na layong ibandera sa mundo na isa ang Pilipinas sa pinakamagaling at tinaguriang ‘performing economies in Asia.’
“Ngayon ay puwede ka ng magtungo ng Nasugbu na hindi mo na kailangang ikutin ang buong Cavite at Batangas dahil sa Kaybiang Tunnel habang ang mga taga Metro Manila ay malaki ang natitipid na oras sa pagbiyahe sa intersection ng Araneta at Quezon Avenue dahil sa underpass,” pahayag ni Trenas.
Nariyan din ang skyway extension na magkokonekta sa South Luzon at North Luzon expressway at ang bagong LRT line sa Cavite.
Bukod pa anya rito ang mga ipinatayong mga bagong eskuwelahan, kalye, tulay, pier at paliparan. Sa ilalim din ng pamahalaang Aquino makikita ang modernisasyon ng AFP sa pagbili ng mga makabagong kagamitan pang militar.
Sabi pa ni Trenas, ang mga kritiko ng Pangulo ay gagawin ang lahat para i-downplay ang kanyang accomplishment at gagamitin ang DAP issue para sirain ang kanyang pamumuno. Pero nasa tamang daan anya ang Pangulo para tuparin ang kanyang mga pangako sa mamamayan.
- Latest