Dengue express lane bubuhayin ng DOH

MANILA, Philippines - Bubuhayin ng Department of Health (DOH) ang dengue express lane sa mga ospital at health facilities dahil sa muling pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng dengue sanhi ng pag-ulan.

Ayon kay DOH spokesperson Dr. Lyndon Lee-Suy, sa tulong ng dengue express lanes ay agad na masusuri ng mga ospital at health workers ang mga pasyente na may sintomas ng dengue. Madali ring matutukoy kung kailangan ng ma-admit sa pagamutan.

Ang peak season o panahon kung kailan inaasahan ang pagtaas ng kaso ng dengue ay tuwing Agosto at Setyembre na kasagsagan ng pag-ulan.

Inirekomenda rin ng DOH sa mga school officials na pagsuotin ng jogging pants ang mga estudyante upang makaiwas sa kagat ng lamok.

 

Show comments