AFP aayuda sa PNP para sa SONA
MANILA, Philippines – Upang matiyak ang kaayusan sa panlimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III, magpapadala ng puwersa ang Armed Forces of the Philippines para tulungan ang Philippine National Police.
Sinabi ni AFP spokesperson Lt. Col. Ramon Zagala na hindi bababa sa 400 sundalo ang kanilang ipapakalat sa Batasan area kung saan gagawin ang SONA.
Manggagaling ang mga tauhan ng AFP sa Joint Task Force-National Capital Region na kinabibilangan ng mga medical personnel, bomb experts, K-9 units, at crowd dispersal management units.
"All of these will be placed under the disposal of the PNP National Capital Region Police Office," wika ni Zagala.
Nag-abiso na ang PNP na magpapakalat sila ng 10,000 opisyal para sa SONA sa Lunes.
- Latest