Ika-3 impeachment vs PNoy isasampa ngayon

MANILA, Philippines - Isa pang impeachment ang isasampa laban kay Pangulong Aquino ngayong araw.

Sesentro sa usapin tungkol sa Enhanced Defense Cooperative Agreement (EDCA) ang ikatlong impeachment complaint na ihahain ng ilang militanteng grupo sa Kamara kabilang sina dating Bayan Muna Reps. Teddy Casino, Satur Ocampo at Carol Araullo.

Tiniyak naman nina Act. Partylist Rep. Antonio Tinio at Gabriela Rep. Emmie de Jesus na ie-endorso nila ang ikatlong reklamo.

Subalit sa pagkakataong ito, nakasento naman sa EDCA sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos at hindi sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ang complaint.

Dalawa naman ang grounds ng complaint kabilang ang betrayal of public trust dahil sa pagpasok ng gobyerno sa EDCA na umano’y disadvantageous sa pambansang interes at sumasagasa sa soberensya ng bansa. Ang ikalawa ay ang culpable violation of the constitution dahil ang rotational presence ng mga sundalong Kano sa bansa na bibigyang daan ng EDCA ay labag umano sa probisyon na nagbabawal sa permanenteng presensiya ng mga dayuhang pwersa rito gayundin ang kanilang pasilidad.

 

Show comments