MANILA, Philippines - Inakusahan ng maliliit na kompanya ng gamot ang mga multi-national firms na pinipigil ang implementasyon ng Republic Act 9502 o ang Universally Accessible Cheaper and Quality Medicine Act of 2008 sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaso sa kanila sa ilalim diumano ng paglabag sa ”patent protection law.”
Tatlong kompanya – ang Femma Drug, Ellebasy Medicale Tradin, at Mark Erikson Enterprises -- ang ni-raid kamakailan ng mga pulis at ahente ng National Bureau of Investigation kaugnay ng warrant at seizure order na nakuha ng isang kompanya sa korte sa Makati dahil umano ay paglabag nila sa patent right at “ilegal na pagbebenta ng gamot.”
Itinanggi ng tatlong kompanya ang paratang at sinabing generic drugs ang pinagbibili nila at lahat ng mga ito ay nakarehistro sa Food and Drugs Administration (FDA).
“Paano magbibigay ang FDA ng certificate sa amin kung ang binebenta naming mga gamot ay ilegal? Ang totoo, malaki ang natitipid sa generic na gamot kesa sa mga gamot ng malalaking kompanya,” ayon kay Mack Macalanggan, tagapagsalita ng grupo. Iniulat din na nasamsam ang mga awtoridad na peke at ilegal na gamot na nagkakahalaga ng P15 milyon.
Pinabulaanan ito ng tatlong kompanya at sinabing P2 milyon lang ang halaga ng mga gamot na nakuha sa kanila. Ito ay dahil binase nila sa kanilang presyo kaya umabot ng P15 milyon ang mga gamot,” ayon kay Macalanggan. Paliwanag nila sailalim ng Section 7-M of RA 9502, “ang generic drugs. Ayon kay Macalanggan karapatan ng bawat Pilipino ang makabili at makapili ng murang gamot upang gumaling sa kanilang sakit.