MANILA, Philippines – Iniutos ng Sandiganbayan na suspendihin muna ng 90-araw sa Senado si Senador Jinggoy Estrada na nahaharap sa kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.
Nauna nang hiniling ng Office of the Ombudsman sa korte na suspendihin si Estrada at ang kapwa akusadong si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.
"To prevent the accused from committing further acts of malfeasance, tamper with documentary evidence and intimidate or influence witnesses in the case, it is necessary that the accused be suspended from the office while the case is pending in court," nakasaad sa mosyon.
Bukod sa dalawang senador, hiniling din ng Ombudsman sa anti-graft court na suspendihin ang staff ni Revilla na si Richard Cambe.
Inakusahan si Estrada na kumita ng P183 milyon mula sa ilegal na gawain na pinangunahan umano ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.