Bagyong ‘Henry’ pumasok na sa Pinas

MANILA, Philippines – Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Henry” ngayong Biyernes ng umaga, ayon sa state weather bureau.

Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pangwalong bagyo ngayong taon sa 890 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay ni Henry ang lakas na 65 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 80 kph, habang gumagalaw ito pa-kanluran, hilaga-kanluran sa bilis na 7 kph.

Kaugnay na balita: LPA sa labas ng Pinas bagyo na!

Sinabi ng PAGASA na walang direktang epekto ang bagyo dahil hindi naman ito tatama sa kalupaan.

Tinatayang nasa 800 km silangan ng Guian, Eastern Samar si Henry bukas, habang nasa 860 km silangan ng Casiguran, Aurora sa Linggo ng umaga, bago dumaan sa 600 km silangan ng Basco, Batanes.

Show comments