MANILA, Philippines - Umaabot na sa 65% ng franchise area o kostumer ng Manila Electric Company (MERALCO) ang mayroon ng kuryente hanggang nitong alas-11:00 ng umaga ng Huwebes.
Ayon kay MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga, 81% naman na kanilang kostumer sa Metro Manila ang naibalik na rin ang suplay ng kuryente.
Kabilang naman sa mga lugar na wala pang kuryente sa National Capital Region (NCR) ay ang area ng Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela), ilang bahagi ng Quezon City, Parañaque City, Alabang, Muntinlupa City at ilang bahagi ng Maynila.
Nasa 99.98% naman ng franchise area ng Meralco sa Quezon province ang wala pa ring suplay ng elektrisidad, gayundin ang 97% ng consumers sa Batangas, 66% sa Cavite, at 66% sa Laguna.
Nitong Miyerkules, umabot sa 90% ng franchise area ng Meralco ang nawalan ng suplay ng elektrisidad matapos ang pananalasa ng bagyong Glenda.