Sa pagpapatupad ng DAP, Wala akong dapat pagsisihan - Abad

MANILA, Philippines - Iginiit ni Budget Sec. Florencio Abad na wala siyang dapat pagsisihan sa pagpapatupad ng Disbursement Acceleration Program (DAP) na idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema.

Ayon kay Sec. Abad, napakinabangan ng taumbayan ang magandang resulta ng DAP nang hindi kailangang magtaas ng buwis maliban na lamang sa sin tax.

Binigyang-diin pa ni Abad na lumago ang ekonomiya ng bansa dahil sa pagpapatupad ng DAP at unti-unting nararamdaman na ito upang matugunan ang poverty reduction program ng pamahalaan.

Si Abad ay magugunitang nagsumite ng kanyang resignation kay Pangulong Benigno Aquino III noong nakaraang linggo ngunit hindi tinanggap ng chief exe­cutive.

Show comments