Cudia umakyat na sa Korte Suprema

MANILA, Philippines — Kahit hinatulan na ni Pangulong Benigno Aquino III, hindi pa rin sumuko ang napatalsik na Philippine Military Academy (PMA) Cadet 1st Class na si Jeff Aldrin Cudia sa listahan ng mga nagtapos ngayong taon.

Naghain ng petisyon si Cudia sa Korte Suprema ngayong Lunes, kung saan inakusahan niya ang PMA ng “grave abuse of discretion” matapos siyang sipain sa pag-aaral dahil sa dalawang minuting pagkaka-late sa klase.

Dagdag niya na hindi siya nabigyan ng due process ng PMA.

Aniya maaaring “moot and academic” ang hindi pagsama sa kanya sa pagtatapos nitong Marso 16 kung saan salutatorian sana siya.

Hindi naman nagustuhan ng tumatayong legal counsel ni Cudia na si Public Attorney's Office chief Persia Rueda Acosta ang pahayag ng Office of the Solicitor General na hindi saklaw ng mataas na hukuman ang kaso ng kadete.

Nitong nakaraang Hulyo 4 ay pinagtibay ni Aquino ang naging desisyon ng pamunuan ng PMA na tanggalin sa paaralan si Cudia dahil sa pagsisinungaling sa tunay na dahilan kung bakit siya na-late ng dalawang minuto.

 

 

Show comments