Nasisilaw sa ilaw ng mga camera Enrile umiwas sa media

MANILA, Philippines - Naging matindi ang pag-iwas ngayon ni Senador Juan Ponce-Enrile sa humahabol na media upang hindi umano masilaw sa ilaw ng mga ca­mera ang ipinapa-check-up na mga mata nang dumaan sa basement ng Asian Eye Institute sa Makati City kahapon ng umaga.

Dakong alas-8:30 ng umaga nang lumabas ng Kampo Crame si Enrile. Ito na ang ika-apat na pagkakataon na makalabas si Enrile sa kampo at makapagpatingin sa eye clinic na nasa Rockwell, Makati.

Hindi na dumaan sa harapan ng gusali ang convoy ni Enrile na dumiretso sa basement at tuluyang umakyat sa ikasiyam na palapag kung saan naroroon ang eye clinic. Halos wala pang limang minuto ang itinagal ng check-up para sa macular degeneration sa mga mata ng senador. 

Hindi na rin nagbigay ng anumang pahayag ito at dumiretso na rin agad pabalik ng Crame.

May haka-haka nga­yon na posibleng nasilaw si Enrile sa mga ilaw ng mga camera nang pagkaguluhan ito sa check-up noong nakaraang Sabado.

 

Show comments