Erap dinalaw si Gigi

Dumalo si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa bail hearing ng anak na si Sen. Jinggoy Estrada sa Fifth Division ng Sandiganbayan kahapon kaugnay ng kasong plunder. Dumating rin ang kapwa akusado nitong si Janet Lim Napoles na ineskortan ng PNP Special Action Force. Mga kuha ni BOY SANTOS  

MANILA, Philippines - Dinalaw ni Manila Mayor Erap Estrada si Atty. Gigi Reyes sa kanyang selda sa Sandiganbayan basement detention cell.

Dumaan si Mayor Estrada kay Reyes sa Sandiganbayan matapos na dumalo sa bail hearing doon ng kanyang anak na si Sen. Jinggoy Estrada.

Sinabi ni Mayor Estrada na hindi makatao ang kundisyon doon ni Reyes para sa isang taong hindi pa naman convicted sa kanyang kasong plunder.

Paniwala ni Estrada, may bakante pa naman sa PNP Custodial Center para mabigyan ng privacy si Reyes.

Detalye pa ni Erap, napaiyak si Reyes nang makita siya.

Humiling pa ang da­ting lider ng bansa na mapayagang makabisita ang ina ni Reyes.

Hindi pa rin naaak­siyunan ng Sandigan­bayan ang mosyon ni Reyes na mailipat siya ng kulungan sa Custodial Center kayat mananatili muna ito sa Sandigan­bayan de­tention cell.

Nais sana ng graft court na mailipat ito sa QC jail pero tinanggihan ng pamunuan nito dahil kulang na sila sa kapasidad ng bilanggo bukod sa hindi angkop itong bilangguan ng isang high profile detainees.

Show comments