^

Bansa

Impeachment vs PNoy hindi niya haharangin

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit ng Malacañang na walang marching order si Pangulong Benigno Aquino lll sa kanyang mga kaalyado sa Kamara para harangin ang isasampang impeachment complaint laban sa kanya.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na mismong ang mga ka­alyado ng Pangulo ang nagpahayag na hindi nila susuportahan ang anumang hakbang para sa impeachment laban sa Punong Ehekutibo.

“Pero nagsalita na po ‘yung mga kaalyado. Sila po ‘yung nagsabi na hindi po sila makikibahagi sa kahit anong impeachment complaint laban sa Pangulo dahil po dito sa Disbursement Acceleration Program,” wika pa ni Valte.

Idinagdag pa ni Valte, umaasa din ang Pa­lasyo na hindi makakasagabal sa trabaho ng Kongreso ang anumang isa­sampang impeachment complaint laban sa Pangulo.

Kabilang sa inaasahang mabibigyan ng pra­yoridad ng Kongreso ay ang Bangsamoro Basic Law (BBL), wika pa ni Valte.

 

BANGSAMORO BASIC LAW

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

KONGRESO

PANGULO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PUNONG EHEKUTIBO

VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with