Enrile pinaaaresto na ng Sandiganbayan

MANILA, Philippines - Iniutos ng Sandiganbayan ngayong Biyernes ang pag-aresto kay Senador Juan Ponce Enrile matapos makakita ng sapat na dahilan ang korte na ituloy ang kasong plunder at graft.

Bukod kay Enrile, pinaaaresto rin ng anti-graft court ang dating chief of staff ni Enrile na si Gigi Reyes, ang itinuturong utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles, Ronald John Lim at John Raymond de Asis.

Bukod sa pandarambong, may kinakaharap din ang senador na 11 counts ng graft.

Nauna nang pinaaresto ng Sandiganbayan sina Senador Ramon "Bong" Revilla Jr. at Jinggoy Estrada dahil din sa pork scam.

Wala pang inilalabas ang korte na desisyon kung saan ikukulong si Enrile.

Show comments