PNoy nagpaabot ng mensahe sa Ramadan
MANILA, Philippines - Nagpahatid kahapon ng pagbati si Pangulong Aquino sa mga Muslim Filipino community sa bansa sa pagsisimula ng holy month of Ramadan.
Ayon sa Pangulo, ang Ramadan ay sagradong pagkakataon para magtika at sumamba.
“My warmest greetings to the Muslim Filipino community as you celebrate the start of the Fasting Month of Ramadan and 29th Day of Sha’aban 1435H,” anang Pangulo sa mensaheng binasa ni Presidential spokesman Edwin Lacierda sa dzRB Radyo ng Bayan.
Isa rin aniya itong oportunidad para sa Muslim community na magpakita ng disiplina, self-control at compassion, ang mga ugaling nakaloob sa tenets ng Islam.
Umasa umano ang Pangulo na mas lalakas pa ang pananampalataya ng mga Muslim sa pamamagitan ng Ramadan at mas lalalim ang kanilang commitment para sa pag-unlad at pag-asenso.
Umaasa rin aniya ang Pangulo na ang mga turo sa Holy Qu’ran ay magsisilbing gabay para sa gagawing fasting at prayer ng mga Muslim.
Ang Ramadan ang ika-siyam na buwan sa Islamic calendar kung saan ang lahat ng mga Muslim sa buong mundo ay nagpa-fasting.
- Latest