MANILA, Philippines - Patuloy pa ang pagtaas ng halaga ng bawang matapos itong pumalo sa P400 kada kilo ngayong Huwebes.
Mabibili ang bawang na P400 kada kilo sa Commonwealth Market sa lungsod ng Quezon, habang naglalaro naman sa P200 hanggang P300 ang kilo nito sa ibang pamilihan.
Nauna nang sinabi ng mga producer na tataasan nila ang produksyon ng bawang upang malabanan ang mataas na halaga sa merkado.
Sinabi ni Agriculture Secretary Alcala na iniimbestigahan na nila ang biglang pagmamahal ng bawang at tinitignan kung mayroong hoarding o pagtatago ng mga produkto na nagaganap.
Tumaas din ang iba pang bilihin tulad ng NFA rice na nagdagdag ng P4 kada kilo.
Umabot naman sa P30 kada kilo ang itinaas ng manok, habang P200 kada kilo ang baboy.