MANILA, Philippines - Isang low pressure area (LPA) ang nagbabantang maging ganap na bagyo at ngayo’y binabantayan ng Pagasa sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Ang LPA ay huling namataan sa layong 700 kilometro silangan ng hilagang Mindanao at nakapaloob din ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) na kasalukuyang nakakaapekto sa Mindanao.
Sinabi ni Samuel Duran, Pagasa forecaster, sa susunod na 72 oras ay maaaring ganap na maging bagyo ang naturang sama ng panahon.
Bunga nito, patuloy na palalakasin ng LPA ang habagat bukod sa epektong dulot nito sa umiiral na ITCZ kayat inaasahan na ang patuloy na pagkakaroon ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan laluna sa Visayas at Mindanao gayundin sa siÂlangang bahagi ng Luzon.
Bagamat may sama ng panahon sa bansa, maalinsangan pa rin ang panahon sa Metro Manila dulot naman ng paghina dito ng habagat.