MANILA, Philippines - Hindi pa rin nadeÂdesisyunan ng Korte Suprema ang hirit ng Ombudsman na bumuo ng dalawang special divisions ang Sandiganbayan na didinig sa mga kasong may kaugnayan sa pork barrel scam.
Katwiran ng Supreme Court (SC) en banc, hinihintay pa nila ang komento ng ilang respondents sa kaso.
Siyam pa lamang anila ang naghahain ng komento kabilang sina Sens. Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.
Una na ring nagsumite ng komento ang Sandiganbayan pero kinontra nito ang kahilingan ng Ombudsman. Hunyo 17 nang unang ipagpaliban ng SC ang desisyon.