SC ruling sa DAP inaabangan ng Palasyo
MANILA, Philippines - Hinihintay na ng Palasyo ang magiging ruling ng Supreme Court sa legalidad ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, mahusay namang naipagtanggol ni Solicitor General Francis Jardeleza ang nasabing kaso sa Korte Suprema.
Inihayag pa ni Lacierda na pinaghahandaan na ng Solicitor General ang desisyon ng Korte Suprema sa DAP sakaling hindi ito pabor sa Palasyo.
Aniya, pawang espekulasyon pa lang ang lumalabas na ulat na idedeklara ng Supreme Court sa July 1 na illegal ang paggamit ng pondo ng Malakanyang sa ilalim ng DAP. Mas mainam anyang hintayin na lang muna ang desisyon ng Korte Suprema.
Magugunitang kinuwestiyon ng ilang grupo sa Korte Suprema ang legalidad ng DAP matapos mabuking na ginamit na pangsuhol ng Palasyo sa mga senator-judge para sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Renato Corona.
- Latest