Bangayan pinakakasuhan ng perjury
MANILA, Philippines - Pinakakasuhan ng perjury ng Department of Justice (DOJ) ang hinihinalang rice smuggler na si Davidson Bangayan.
Batay sa resolusyong pirmado ni Prosecutor General Claro Arellano, nakitaan ng probable cause para kasuhan ang negosÂyante alinsunod sa reklamo ng Senate Committee on Agriculture and Food.
Nag-ugat ang kaso sa pagsisinungaling umano ni Bangayan sa pagdinig ng komite hinggil sa rice smuggling kung saan paulit-ulit na itinanggi nito na siya at si David Tan na sinasabing rice smuggling king ay iisa sa kabila ng mga dokumentong nagpapatunay nito.
Matatandaang lumabas ang isang affidavit kung saan sinabi ni BaÂngayan na siya rin si David Tan.
Kakasuhan si BangaÂyan sa Pasay Metropolitan Trial Court.
- Latest