MANILA, Philippines - Maaari nang bumalik ang mga nagbakasyong overseas Filipino workers sa Thailand at tuloy na muli ang pagpapadala ng mga bagong manggagawa roon matapos ibaba na ang alert level crisis sa nasabing bansa.
Sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na naglabas na ang Governing Board ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nagsasaad na maaari nang bumalik sa Thailand ang mga nagbabakasyong OFW sa Pilipinas, at tuloy-tuloy na rin ang pagproseso sa aplikasyon ng mga new hires na patungo roon.
Noong Enero 23, itinaas sa crisis alert level 2 sa Bangkok, Nonthaburi Province, Lad Lun Kaew District at Bang Phli District sa Thailand kaugnay sa pagdedeklara ng 60-day state of emergency dahil sa paglala ng civil unrest at insecurity sa mga lugar.
Bunsod para suspindihin ang deployment ng bagong OFWs.