JV bibisita pa rin kay Jinggoy

MANILA, Philippines - Balak pa rin ni Senator Joseph Victor “JV” Ejercito na bisitahin sa kulungan ang kanyang kapatid sa ama na si Senator Jose “Jinggoy” Estrada kapag naramdaman nito na maayos na ang sitwasyon.

 Sa isang text message, sinabi ni Ejerctio na maghihintay siya ng tamang pagkakataon bago bisitahin ang kapatid na senador na nakakulong ngayon sa kasong plunder kaugnay sa paratang na tumanggap ito ng multi-milyong kickbacks mula sa kanyang priority deve­lopment assistance funds (PDAF).   

 â€œIn time, when  I feel that the situation is better, then I will visit him,”  pahayag ni JV.

Bagama’t magkasama sa Senado, hindi itinatago ng magkapatid na senador na malamig ang pakikitungo nila sa isa’t isa at halos hindi nagpapansinan kahit sa loob ng session hall.

Inihayag pa ni JV na ipinagdarasal rin niya ang kanyang kapatid at hindi rin niya gusto ang sitwasyon na nararanasan nito ngayon.

Matatandaan na isa si JV sa mga bomoto ng pabor sa committee report ng Senate Blue Ribbon Committee na nagrekomenda sa pagsasampa ng kasong plunder sa mga senador na sinasabing sangkot sa scam.

Bukod kay Estrada, nakakulong na rin nga­yon sa Camp Crame si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., at inaasahang makakasama rin nila si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile.

 

Show comments