MANILA, Philippines - Sapilitan nang ililikas ang mga Pinoy sa Iraq matapos itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang crisis alert level 4 sa nasabing bansa.
Ayon sa DFA, dahil sa pagtaas ng security situation sa Iraq, lubhang mapanganib na sa buhay ng mga Pinoy na nakatira at nagtatrabaho doon.
Sa ilalim ng alert level 4, ipatutupad ang mandatory evacuation sa lahat ng mga Pinoy kabilang ang mga overseas Filipino workers sa Iraq maliban lamang sa Iraqi Kurdistan Region na nananatiling nasa alert level 1 o precautionary phase.
Ang Kurdistan ay naÂnaÂnatiling kalmado at matatag ang sitwasyon.
Ang sapilitang paglilikas sa mga Pinoy sa Iraq ay popondohan ng gobyerno kabilang na ang kanilang airfare.
Bukod dito, ipinatutupad din ng gobyerno ang total deployment ban para sa OFWs sa Iraq.