^

Bansa

Abu Sayyaf nagbantang pupugutan ang 2 bihag

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbanta ang bandidong grupong Abu Sayyaf na pupugutan ng ulo ang dalawa nilang bihag kapag hindi nakapagbigay ng P3 milyon ang kanilang mga kamag-anak.

Napaiyak na lamang si Analiza Lingayan nang ihayag sa isang panayam sa Brigada News FM, isang lokal na istasyon ng radyo sa Zamboanga City, na binigyan na sila ng ultimatum ng bandidong grupo para makapagbigay ng P3 milyon kapalit ng kalayaan ng kanyang asawang si Remegio Lingayan.

Dinukot si Remegio at kasamang si Joselito Gonzales ng mga bandido sa Indanan, Sulu noong Hunyo 4.

Ayon kay Analiza, tumawag ang mga bandido sa kanya noong Miyerkules at sinabing mayroon silang hanggang Hunyo 29 para ibigay ang naturang halaga. Kung hindi sila makapagbibigay pupugutan umano ng mga bandido ang dalawang bihag.

“Tumawag sila kahapon at ibinaba na ang kanilang ransom demand ng P3 million pero nagbigay sila ng 10 days ultimatum dahil kung hindi daw mabigay ang hiling nila puputulin nila ng ulo ang aking asawa at kasama niya,” ani Analiza.

Aniya, P20 milyon ang unang hininging halaga ng mga bandido na bumaba sa P7 milyon hanggang sa bumaba na ito sa P3 milyon.

Ayon kay Analiza, imposibleng makapag-ipon sila ng P3 milyon dahil mahirap lamang sila at maging ang sweldo ng kanyang asawa bilang foreman ay hindi sapat para sa pang-araw araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.

Ang pamilya Lingayan, na nakatira sa Barangay Tumaga sa Zamboanga City, ay nagsimula nang mamalimos ng pera sa pamamgitan ng pagpapakalat ng mga bakanteng garapon sa iba't ibang lugar sa siyudad.

ABU SAYYAF

ANALIZA

ANALIZA LINGAYAN

AYON

BARANGAY TUMAGA

BRIGADA NEWS

HUNYO

JOSELITO GONZALES

REMEGIO LINGAYAN

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with