Tobacco farmers poprotektahan

MANILA, Philippines - Pinalagan ng dalawang kongresista ang umano’y paninira ng ilang negosyanteng dayuhan sa mga produkto ng Pilipinas.

Kaugnay nito, nana­wagan si Isabela Rep. Rodito Albano sa kagyat na paggamit ng opisyal na impormasyon sa pagbuo ng patakaran na ma­ngangalaga sa lokal na industriya ng tabako.

Tinukoy ni Albano ang mga paninira ng dayuhang kumpanya laban sa mga karibal nito sa Pilipinas makaraang maglaho ang pangingi­babaw sa industriya dahil sa pagpapatupad sa Sin Tax Law.

Ginawa ni Albano ang pahayag dahil sa ulat na ang Philip Morris Fortune Tobacco Corp. ang dahilan umano ng isang pag-aaral na ipinalabas ng mother company nito na Philip Morris Inc. na nagsasaad na ilang lokal na tobacco cigarette companies ang umano’y sangkot sa mga iligal na aktibidad.

Kaugnay nito, sinuportahan ni Albano ang panukala ni Deputy Speaker Sergio Apostol na umasa na lang sa opisyal na rekord ng gobyerno tulad ng sa Bureau of Internal Revenue at sa Bureau of Customs para sa pagbuo ng tamang patakaran para sa ikakabuti ng publiko.

 

Show comments