Pinoy, Malaysian kinidnap sa Malaysia!

MANILA, Philippines - Isang Pinoy at Malaysian ang dinukot ng mga armadong grupo sa Sabah, Malaysia kamakalawa.

Ayon sa ulat, kinilala ang Malaysian na si Chan Sai Chiun, 32, at umano’y trabahador nitong Pinoy na nakilala lamang bilang “Maslah”.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Charles Jose, nakikipag-ugnayan na ang DFA sa Autonomous Region in Muslim Mindanao Regional Police Office matapos maispatan umano ang dalawang bihag at mga kidnaper patungo sa direksyon ng Mindanao. 

Hindi pa alam ng pamahalaan ang grupo na responsable sa pagdukot.

Nito lamang Abril, isang Chinese at Pinay worker din ang dinukot sa isang diving resort sa Sabah, Malaysia subalit pinalaya sa Jolo, Sulu noong Mayo 31.

Show comments