^

Bansa

2 Doktor ng NBP sinibak!

Doris Franche-Borja at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinibak ni Justice Secreatry Leila de Lima ang dalawang prison doctor ng New Bilibid Prison (NBP) na nagbigay ng referral para makapagpagamot sa pribadong ospital ang ilang mga high profile inmate ng NBP.

Batay  sa Department Order 405 na may petsang June 13, 2014, tinanggal sa  puwesto sina  Dr. Gloria Achazo-Garcia, Acting Hospital Head ng New Bilibid Prison Hospital at Dr. Ma. Cecilia V. Villanueva, Medical Specialist I ng NBP.

Kasama rin sa inalis sa puwesto si Prison Supt. Gabriel Magan, Hepe ng New Bilibid Prison Escort Unit.

Inatasan din ni de Lima si Bureau of Corrections Director Franklin Bucayu na magtalaga ng pansa­mantalang kapalit sa puwesto ng tatlong opisyal para hindi maapektuhan ang operasyon ng NBP Hospital.

Pinagpapaliwanag ni de Lima ang tatlong kawani ng NBP at iba pang prison guards ng Bilibid kung bakit hindi sila dapat na maharap sa reklamong administratibo.

Binigyan  ni de Lima  ng 72 oras ang tatlo  para makapagsumite ng paliwanag kaugnay sa kontro­bersyal na pagpapagamot ng high profile inmate na si Ricardo Camata sa Metropolitan Medical Center.

 

ACTING HOSPITAL HEAD

BUREAU OF CORRECTIONS DIRECTOR FRANKLIN BUCAYU

CECILIA V

DEPARTMENT ORDER

DR. GLORIA ACHAZO-GARCIA

DR. MA

GABRIEL MAGAN

JUSTICE SECREATRY LEILA

MEDICAL SPECIALIST I

METROPOLITAN MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with